12 na Gabay sa Pagpili ng Iboboto sa Student Council

While I was surfing the net this morning,  I stumbled upon a post that linked this article. Aside from Manix Abrera’s  drawing on the cover photo,  it caught my attention because it was about student council elections. Once again,  it’s campaign season in our university.  You’ll be able to see small groups of people powerwalking around campus campaigning to random students. There will also be some who will be going to your classes and asking permission from the professor for them to campaign, especially the college-based slates. Then after they campaign,  the classroom will be filled with their paraphernalias printed in yellow (KAISA),  red (STAND UP), blue (ALYANSA),  or green (for independent). I knew this too well because I used to be one of them, but that’s another story.

#SCElection101: 12 Gabay sa Pagpili ng Iboboto sa Student Council
Posted by NUSP on Wednesday, April 15, 2015

“Ang pagpili ay isang pagpapasya, at ang pagpapasya ay kapwa internal at external na pagpili. Bagama’t sa huli, internal ang magiging mapagpasya batay sa pagsasaalang-alang sa lahat ng mga aspeto. Kaya naman narito ang ilang gabay para sa mga kabataang estudyante para sa prinsipyadong pagpili ng kandidato o partido politikal na ihahalal sa konseho ng mga mag-aaral. Tungkulin natin na itaguyod ang demokratikong espasyo ng mga mag-aaral sa pagsusulong ng ating mga demokratikong karapatan bilang estudyante at mamamayan. Hindi lamang nakukupot sa apat na sulok ng ating mga silid-aralan ang tungkulin natin bilang kasapi ng lipunan. Ang bawat panahon ay paglikha ng kasaysayan at ang kasaysayan ay liriko ng iba’t ibang karanasan, tunggalian, at tagumpay. Kaya naman sa bawat oras, araw at taon ng paggugol ay hamon sa atin na itala ang kasaysayang nalilikha sa loob at labas man ng ating pamantasan.

1. Mahalagang pag-aralan at suriin ang plataporma (general and specific programs of action) at kung ano ang politikal na paninindigan ng lahat ng partido at kandidato. Hindi ka pumipili sa dami ng seminar o congress na napuntahan ng isang kandidato, o kung anumang award na kanyang natanggap. Dahil hindi naman ang mga ito ang decisive sa pagpili kundi kung ano ang mga kampanya ng estudyante at mamamayan na nilahukan at pinangunahan nila. Nariyan ang mga isyu ng tuition fee increase, dubious at exorbitant na mga bayarin, manininda, workers, magsasaka, demolisyon, delayed at mababang pasahod sa mga guro, political harrassment, korapsyon sa gobyerno, Yolanda, Mamasapano, at marami pang iba. Kaya bumoboto dapat batay sa plataporma, politikal na paninindigan at mga programang inihain na magsusulong ng karapatan ng estudyante at mamamayan.

2. Ang Student Leader ay hindi traditional events organizer lamang. Mahalagang masipat kung ano ang role ng student council. Ito dapat ang tagapamandila ng mga usapin at kampanya bukod sa mga tradisyonal na mga programa at aktibidad na dapat ay secondary task ng isang konseho. Hindi pwedeng maingay lang sa mga aktibidad tulad ng pageants, raffle, intrams (repeat: pageants, raffle, intrams), pero tahimik sa mas malalaking usapin ng bayan at estudyante. Hindi na nakakapag-exam ang mga estudyante dahil sa iligal na no permit, no exam policy sa school ninyo ay pageants, raffle at intrams pa rin ang priority nila. Aba, hiya-hiya at gising-gising din pag may time.

3. Ang konseho ng mga mag-aaral ay hindi extension ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia surveys. Hindi nito gawain na magpa-survey sa lahat ng isyu. Kaya dapat naghahalal ang mga estudyante sa student council batay sa plataporma at paninindigan ng partido at kandidato. Halimbawa, kaya ibinoto ang partidong may malinaw na tindig laban sa tuition increase, dahil alam na ng mga estudyante na kailanman ay hindi papayag ang partidong ito sa kahit magkanong pagtaas ng tuition. Kaya ang student council, sa halip na matali sa pagse-survey, ay dapat tiyakin na may informed judgement na ang kanilang constituents at pamunuan sila sa mga laban na ito. Hindi dapat kinukupot ang estudyante sa espasyo ng survey. Mahalaga ang tindig ng konseho sa mga isyu kaya mahalaga sa mga lider estudyante na mayroong konkretong pagsusuri sa konkretong kalagayan para maiwasan ang uninformed judgement sa mga usapin. Aba! Nabulok na ang isyu ay survey pa more! May namatay nang mga estudyante dahil hindi makabayad ng tuition at iba pang school fees at hindi makapag-exam dahil sa no permit, no exam policy ay magpapa-survey ka pa ba kung hihingi ng katarungan para sa kanila!

4.  Ang Student Council Election ay hindi “Personality Politics.” Ang konseho ay hindi lang dapat alternative space kundi ito ang ating inaasahang democratic space para sa ating democratic rights. Marapat lang umalpas ang mga konseho mula sa pagiging tipak ng personalidad patungo sa pagiging tagapagtaguyod ng collective effort in championing the students’ and people’s agenda. Kung personality politics ang ating paiiralin, ano pang ipinagkaiba natin sa national elections na binubuo ng mga traditional na politiko. Hindi tayo bumoboto dahil lamang sikat ang kandidato. Bumoboto tayo dahil sila’y may malinaw na politikal na paninindigan at para sa kapakanan ng estudyante at bayan. Unawain ang pormula ng teorya at praktika. Hindi “May ‘say’ sa mga isyu pero walang aksyon.” Kundi ang best formula ay “May “say” sa isyu na sinasamahan ng kolektibong aksyon.”

5. Hindi dapat tuwing eleksyon lang lumalabas ang partido o kandidato para sa mga posisyon sa konseho ng mga mag-aaral. Dahil sa dami ng isyung kinahaharap ng mga estudyante at mamamayan, vital ang role nito sa pagpapalakas ng kampanya para tutulan at labanan ang mga palisiyang nagpapahirap sa mga estudyante at mamamayan gaya ng pagtaas ng tuition at other school fees (OSF), paglabag sa mga demokratikong karapatan tulad ng freedom of expression at freedom of assembly, oil price hike, pagtaas ng presyo ng bilihin at pamasahe, korapsyon sa gobyerno, mababang pasahod sa manggagawa, pangangamkam sa lupa ng mga magsasaka, at marami pang iba.

6. Straight to the point. Huwag mahiyang magtanong sa mga kandidato, pero huwag sayangin ang mga tanong. Huwag magpalimita sa “petty questions” tulad ng paghahambing, achievements sa buhay, traditional activities na napangunahan, at love life. Sa halip ay tanungin sila hinggil sa mga isyung kinahaharap ng mga estudyante at mamamayan. Ano ang kanilang paninindigan, at ano ang ginawa nila sa mga isyung ito? Pero mag-“introspect” din sa kabilang banda kung bakit ikaw ay nakiisa o hindi nakiisa sa laban, at kung paano isasangkot ang mga kandidato at ang sarili sa mga mainit na laban ng estudyante at mamamayan.

7. Hindi tayo bumoboto dahil ang mga kandidato’y naging “election performers,” o yung mala-Resorts World Manila kung magsabayang-pagbigkas o sing-and-dance na production sa pangangampanya. Maganda nga, flashy, malakas ang impact, PERO ano ba talaga ang sinasabi? Iboboto ba sila dahil magaling silang mag-perform ng sabayang bigkas at sing-and-dance, o iboboto sila dahil ipagtatanggol nila ang mga karapatan mo? Go lang, patapusin sila sa kanilang mga thing, pero after that, bumalik ulit sa mga batayang tanong na nabanggit sa mga naunang bilang.

8. Mga ate, kuya, beki, transy, tibum at iba pa, huwag pairalin ang sympathy vote. Mas maawa tayo sa sambayanan at sa lahat ng estudyante na pinapahirapan ng iba’t ibang policy at mga bayarin. Can’t afford natin ang leadership na kinokompromiso ang mga bagay. Ngayon at kailanman, kailangan ng mga lider-estudyante na maka-estudyante at para sa estudyante at bayan. Can’t afford din natin ng “Administration Representative to the Student Council.” Iba ang sapak niyan hanggang sa maburo na ang isyu ay wala pa ring aksyon. Matuto na tayo sa kasaysayan: ang mga kandidato at partido na tuta, lapdog, at sunud-sunuran sa administrasyon ay huwad na mga lider at partido dahil hindi kapakanan at katarungan ng estudyante ang ipinaglalaban.

9. Hindi nagtatapos ang usapin sa “respeto” bilang tugon sa mga nagbabanggaang ideya’t paniniwala. May diskurso sa bawat nilalaman at mahalagang mahimay ito. Kumbaga, dapat ma-determine ang nabubulok sa di nabubulok, ang mabaho sa mabango, sa nakakatawa at di nakakatawa, at marami pang iba. Sa madaling sabi, mayroong tamang ideya na dapat isulong at mayroong maling ideya na dapat iwaksi. Laging tandaan ang pormula na “thesis vs anti-thesis is equal to synthesis”. Isapraktika ang demokrasya ng tunggalian ng mga ideya. Walang  namang mali rito. Dahil sa tunggalian natin nalalaman ang wastong linya ng paninindigan sa mga bagay. For more informed judgement! Ang paggamit sa salitang “respeto” para tapusin ang usapin ay porma ng “escapism” — para lumayo at lumihis sa talakayan at diskurso na very unhealthy. Do not escape! Rather, engage!

10. Maraming sumisigaw ng “pagbabago,” pero suriin kung anong klase ng pagbabago ang ipinapanawagan. Una, may nabago ba? Ikalawa, naging substansyal ba ang pagbabago? Ikatlo, ano ang dapat pang baguhin, at ano pang asersyon ang dapat gawin para tuluyang baguhin ang maling sistema? Hindi lahat ng pagbabago ay nakabubuti sapagkat mayroon ring huwad na pagbabago. Halimbawa, kung dati 15 pesos per unit lang, ngayon ay 1,500 pesos per unit na. Aba, may nagbago nga! Kaya ang tanong: pahihintulutan at ipagpapatuloy pa ba ang ganitong uri ng pagbabago? Kaya naman push tayo para sa “TUNAY” na pagbabago!

11. Ang genuine student leader ay hindi dapat tahimik sa mga isyung kinahaharap ng mga estudyante at mamamayan. Ang mga statement o manifesto ay pagpapakita ng tindig sa mga partikular na isyu. Pero hindi lang dapat sa paglalabas ng manifesto nagtatapos ang kampanya – mahalaga at dapat ay may kaakibat na aktwal na aksyon at tugon sa bawat isyu at hamon. Kung kailangang makipag-dialogue, maglunsad ng mga vigil at mass action, hindi dapat natatakot ang genuine student leader na ipaglaban ang karapatan laluna ng mga estudyante at mamamayan.

12. Collective action and effort are imperative. Kung babalikan ang kasaysayan, napakarami nang ipinagtagumpay ang sama-samang pagkilos. Nagkaroon ng tinatawag na mga “Commune” sa University Belt, UP Diliman at sa maraming bahagi ng Pilipinas. At ang mga ito’y pinangunahan ng mga mag-aaral at kabataan, kasama ang mamamayan, noong Martial Law. Sa sama-samang pagkilos ay naisagawa ang pagpapabalik ng student councils at publications na ipinasara ni Marcos noon at ng ilang unibersidad ngayon. Napigilan rin sa maraming beses ang pagtataas ng matrikula. Dahil sa sama-samang pagkilos ng mga manggagawa at mamamayan, naipababa sa walong oras ang pagtatrabaho at nagkaroon ng mga benepisyo. Nakapagpabagsak na ng mga korap at despotikong rehimen ang kolektibong pagkilos. At marami pang iba. Lahat ay nagbago batay sa collective effort. Mahalaga rin ang petition writing, manifesto at dialogue, pero never na ito ang naging major at decisive sa laban ng mamamayan at estudyante. Ang sama-samang pagkilos, ang collective action, ito ang nagpapanalo ng mga laban laluna’t ang laging isinasaalang-alang ay ito: hindi kailanman ikino-compromise ang karapatan. #”

While I was reading (scanning,  rather) this article,  all that came to mind was STAND UP.  Not that I’m biased or anything since I used to run under them,  but it was really as if they were just describing what the party believes in and what they are doing until now.

I hope you were enlightened by this article. Don’t  forget to ask questions.  Know your candidates very well.  Choose wisely. (Very clichè,  haha)

If you want to see more information about the article,  visit: http://nusp.org/scelection101gabay/#sthash.juIDgOVS.dpuf

Advertisements